Thursday, April 26, 2012

Summer Fever

Ang presko mo.


Swak na swak ka sa tag-init.

Buhay baboy in sa bakasyon.

Abril 25, 2012

Ang hirap pala nang ganitong bakasyon. Walang magawa sa bahay. Maliban sa mag-alaga ng anak at magtimpla ng gatas oras-oras. Hindi katulad noon na umuuwi pa kami ng probinsya. Sabagay, ayoko na rin umuwi sa B\icol. Puro tsismosa lang ang mga kakilala namin do’n. Nariyan ang ninang kong daig pa ang scientist sa kakaimbento – ‘yon nga lang, ang kanya, puro imbentong kuwento. Naturingang ninang ko pero daig pa si Kris Aquino sa kakaputak ng bibig bente kwatro oras. Sana pala, nagsaulian na lang sila ng kandila ng nanay ko. Pambihira. Mabuti na rin sigurong hindi ako sumama kina papa sakaling uuwi sila ngayong darating na Mayo. Nakakapanghinayang lang dahil miss ko na rin ang mga pinsan ko. ‘Yung isa kakapanganak lang halos. Siguro ninang pa’ko no’n pagnagkataon. Pangalawang inaanak ko na sana siya. Speaking of inaanak, taga-Bicol nga pala ‘yung una kong inaanak. Anak ng kasambahay namin noon. Na hindi ko na maalala ni ang itsura niya, o ilang taon na kaya siya ngayon. Hindi na kasi ako nakakauwi at wala rin naman akong balak magpadala ng regalo via LBC.

Ano ‘ko, mayaman? 

E ‘eto nga’t graduating na’ko. Ngayon pa lang, natatakot na’ko sa mangyayari sa’kin pagka-graduate. Cut off na ang allowance at zero balance na’ko everyday. Tambay galore na lang sa bahay at ubusin ang oras kakatunganga sa pader. Hindi na rin makakalakwatsa dahil wala rin naman akong kaipon-ipon. Mula 1st year college hanggang ngayong may anak na’ko, zero balance ang life savings ko. Mas may pera pa nga sa’kin ang anak ko. Minsan, nangungutang pa’ko sa kanya atsaka ko papalitan kapag, teka, nakalista pa rin pala lahat, hindi ko pa nababayaran. Hindi bale anak, magkakatrabaho na si nanay, konti na lang. Tutal thesis defense ko na naman ngayong 1st week of May. Mga 2nd week of May, makakapagsimula na'ko sa trabaho.

Makati pa naman, kung minamalas ka. Tagaan sa singil ng taxi.
Well, okay rin naman pala. Araw-araw akong makakakita ng mga gwapong naka-long sleeves at ilang foreigner na pa-ingles-ingles pa while walking along the streets. Suwerte ko kung malanghap ko ang matapang na pabango nila. Sana tumambay sa ilong ko for hours. O dumikit din sa damit ko para ma-impress naman ang boss ko sa’kin. Ngayon pa lang, parang nahihiya na’kong tumabi sa boss ko. Ang ganda kasi niya. Pero syempre, mas maganda ‘ko. Mas matangos nga lang ang ilong niya at — oo na, mas maganda nga siya sa’kin.

Siguro kung lalaki ako, niligawan ko na siya. Kaso hindi. Lalaki rin kasi ang hanap ko.

By the way, ayoko na nga pala sa lalaki.

Kagabi lang, nag-init nang husto ang ulo ko sa ka-text kong lalaki. Akala mo naman siya lang ang lalaki sa mundo. Hindi ka kawalan, mister. Mas matalino na’ko ngayon. Hindi na uubra ang mabubulaklak na salita sa’kin.

At anong akala mo, hahabulin kita? 


Oras lang ang hinahabol ko. 


O sa tuwing may kailangang ipasa, o importanteng okasyong di dapat ma-miss. Tulad ng graduation ko.


Shet. 


Di ko akalaing ga-graduate na’ko. Ang bilis ng panahon, ah. Parang kelan lang, tatanga-tanga pa’ko sa DLSU. Ni nahihiya pa nga ‘kong sumakay sa elevator. Siksikan kasi tapos, wala pa’kong kilala na kahit sino. Puro naka-branded na damit pa ‘yung mga kasabay ko. Halatang mayaman. Halatang may pera ang bulsa. Kung makapag-ingles akala mo tubong America. Pa-slang slang pa kung mag-Filipino. Ang labo lang. Ang sakit kamo sa tenga. Pilipit ang dila ng ilan habang ‘yung iba naman, nagkukunwaring pilipit din ang dila. Sabagay, ‘yun ang in no’n. Para bang kriminal ka ‘pag nagsalita ka ng Tagalog. Daig mo pa si Gloria Arroyo sa pagnakaw niya sa kaban ng bayan. O ng kung sinong rapist dyan sa kanto. Sabagay, sport na rin pala ngayon ang social climbing. Accepted na siya sa society, kaya keri lang. Wala na’kong sasabihin teh, shatap na’ko. 

Pramis.

Teka, kung sa’n-sa’n na napunta ‘tong mga pinagsasasabi ko. Ang dami ko pang gustong sabihin kaso tinatamad na’ko, eh. Kanina ko pa gustong kainin ‘tong katabi kong piatos. Pinabili ko pa ‘to sa kapatid ko sa may basketbolan sa kabilang kanto. Diva ako, eh, bakit ba?

Yaya, bili mo ‘ko ng piatos now na! Alas dies ng gabi wa ko care! 


Piatos now na!!!!!!


P.S. Ika 1 year 2 months nga pala ngayon ng anak ko. Kaya pinakain ko siya ng Toblerone bilang regalo. Hello sa tonsils mo anak, sana di mamaga kinabukasan! I love you!