Abril 25, 2012
Ang hirap pala nang ganitong bakasyon.
Walang magawa sa bahay. Maliban sa mag-alaga ng anak at magtimpla ng
gatas oras-oras. Hindi katulad noon na umuuwi pa kami ng probinsya.
Sabagay, ayoko na rin umuwi sa B\icol. Puro tsismosa lang ang mga
kakilala namin do’n. Nariyan ang ninang kong daig pa ang scientist sa
kakaimbento – ‘yon nga lang, ang kanya, puro imbentong kuwento.
Naturingang ninang ko pero daig pa si Kris Aquino sa
kakaputak ng bibig bente kwatro oras. Sana pala, nagsaulian na lang
sila ng kandila ng nanay ko. Pambihira. Mabuti na rin sigurong hindi
ako sumama kina papa sakaling uuwi sila ngayong darating na Mayo.
Nakakapanghinayang lang dahil miss ko na rin ang mga pinsan ko. ‘Yung
isa kakapanganak lang halos. Siguro ninang pa’ko no’n pagnagkataon.
Pangalawang inaanak ko na sana siya. Speaking of inaanak, taga-Bicol
nga pala ‘yung una kong inaanak. Anak ng kasambahay namin noon. Na
hindi ko na maalala ni ang itsura niya, o ilang taon na kaya siya
ngayon. Hindi na kasi ako nakakauwi at wala rin naman akong balak
magpadala ng regalo via LBC.
Ano ‘ko, mayaman?
E ‘eto nga’t graduating na’ko. Ngayon pa
lang, natatakot na’ko sa mangyayari sa’kin pagka-graduate. Cut off na
ang allowance at zero balance na’ko everyday. Tambay galore na lang sa
bahay at ubusin ang oras kakatunganga sa pader. Hindi na rin
makakalakwatsa dahil wala rin naman akong kaipon-ipon. Mula 1st year college hanggang ngayong may anak na’ko, zero balance ang life
savings ko. Mas may pera pa nga sa’kin ang anak ko. Minsan,
nangungutang pa’ko sa kanya atsaka ko papalitan kapag, teka, nakalista
pa rin pala lahat, hindi ko pa nababayaran. Hindi bale anak,
magkakatrabaho na si nanay, konti na lang. Tutal thesis defense ko na
naman ngayong 1st week of May. Mga 2nd week of May, makakapagsimula na'ko sa trabaho.
Makati pa naman, kung minamalas ka. Tagaan sa singil ng taxi.
Well, okay rin naman pala. Araw-araw akong
makakakita ng mga gwapong naka-long sleeves at ilang foreigner na
pa-ingles-ingles pa while walking along the streets. Suwerte ko kung
malanghap ko ang matapang na pabango nila. Sana tumambay sa ilong ko
for hours. O dumikit din sa damit ko para ma-impress naman ang boss ko
sa’kin. Ngayon pa lang, parang nahihiya na’kong tumabi sa boss ko. Ang
ganda kasi niya. Pero syempre, mas maganda ‘ko. Mas matangos nga lang
ang ilong niya at — oo na, mas maganda nga siya sa’kin.
Siguro kung lalaki ako, niligawan ko na siya. Kaso hindi. Lalaki rin kasi ang hanap ko.
By the way, ayoko na nga pala sa lalaki.
Kagabi lang, nag-init nang husto
ang ulo ko sa ka-text kong lalaki. Akala mo naman siya lang ang lalaki
sa mundo. Hindi ka kawalan, mister. Mas matalino na’ko ngayon. Hindi na
uubra ang mabubulaklak na salita sa’kin.
At anong akala mo, hahabulin kita?
Oras lang ang hinahabol ko.
O sa tuwing may kailangang ipasa, o importanteng okasyong di dapat ma-miss. Tulad ng graduation ko.
Shet.
Di ko akalaing ga-graduate na’ko. Ang
bilis ng panahon, ah. Parang kelan lang, tatanga-tanga pa’ko sa DLSU.
Ni nahihiya pa nga ‘kong sumakay sa elevator. Siksikan kasi tapos, wala
pa’kong kilala na kahit sino. Puro naka-branded na damit pa ‘yung mga
kasabay ko. Halatang mayaman. Halatang may pera ang bulsa. Kung
makapag-ingles akala mo tubong America. Pa-slang slang pa kung
mag-Filipino. Ang labo lang. Ang sakit kamo sa tenga. Pilipit ang dila
ng ilan habang ‘yung iba naman, nagkukunwaring pilipit din ang dila.
Sabagay, ‘yun ang in no’n. Para bang kriminal ka ‘pag nagsalita ka ng
Tagalog. Daig mo pa si Gloria Arroyo sa pagnakaw niya sa kaban ng
bayan. O ng kung sinong rapist dyan sa kanto. Sabagay, sport na rin
pala ngayon ang social climbing. Accepted na siya sa society, kaya keri lang. Wala na’kong sasabihin teh, shatap na’ko.
Pramis.
Teka, kung sa’n-sa’n na napunta ‘tong mga pinagsasasabi ko. Ang dami
ko pang gustong sabihin kaso tinatamad na’ko, eh. Kanina ko pa gustong
kainin ‘tong katabi kong piatos. Pinabili ko pa ‘to sa kapatid ko sa
may basketbolan sa kabilang kanto. Diva ako, eh, bakit ba?
Yaya, bili mo ‘ko ng piatos now na! Alas dies ng gabi wa ko care!
Piatos now na!!!!!!
P.S. Ika 1 year 2 months nga pala ngayon ng anak ko. Kaya
pinakain ko siya ng Toblerone bilang regalo. Hello sa tonsils mo anak,
sana di mamaga kinabukasan! I love you!
No comments:
Post a Comment